Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagpahaging sa ‘ahasan’: Bea malalim ang banat kina Gerald, Julia

0 182

Ang kanyang farm sa Zambales ang ipinapakita at bida sa recent Instagram post ng actress na si Bea Alonzo.

Pero, mabilis na naramdaman at nakita ng mga netizen na tila hindi simpleng positive post lang ang IG post na yun ni Bea. Na hindi lang ito tungkol sa kanyang farm sa Zambales at sa kung paano niya nae-enjoy ang bawat oras niya.

Ang caption kasi ni Bea, “I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do. Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya! These are the moments I live for. The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for.
So, here’s to TIME! ?

Time that is best spent with family,
Time that heals all wounds, and 
TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!”

Siyempre, nagmarka at maraming nakapansin sa bold letters pa na “Time as the ultimate truth teller” sa caption niya. Obyus na pagpaparinig o sagot ito ni Bea sa pagpapa-interview ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Timing kasi na after ng interview ni Gerald kunsaan, inamin niya na ang relasyon nila ni Julia at sinabi rin nito na noong sila pa nga ni Bea, “very toxic” daw ang relasyon nila.

At sa post na ito ngayon ni Bea, tila sinasagot niya at hindi sumasang-ayon sa mga tinuran ni Gerald at sa tagalog, “ang panahon ang makakapagsabi ng katotohanan” o pinapa-check ba nito ang timeline na mag-boyfriend pa silang dalawa at kung kailan naman pumasok si Julia Barretto at naging sila ni Gerald.

Parang, panahon na ang makakapagsabi kung may overlapping na naganap o wala? Huh!

Lian hagulgol sa alok na kasal ni Cabahug

Matapos ang ilang linggo na nag-proposed sa dating EB Babes/actress na si Lian Paz ang present partner at ama ng bunsong anak niya na si John Cabahug, ngayon lang pinost ni Lian ang video nang naging reaction niya.

Hindi raw niya alam kung umiiyak o tumatawa ba siya sa video. Pero ang naalala raw niya ay ang namayapang ama. Kung paano ang wish daw ng ama sa kanya noong buhay pa ito ay makahanap siya ng lalaking magbibigay sa kanya ng tunay at purong pag-ibig.

Ang present partner niya kasi sa loob ng ilang taon na si John, sa kabila nang may dalawa siyang anak na babae, sina Xonia at Xalene kay Paolo Contis ay totoo namang tinanggap, minahal at pinapalaki ni John habang sa Cenu sila naka-based lahat.

Marami rin kapwa celebrities ni Lian ang na-touched sa post niya at masaya para sa kanya.

Sabi ni Lian, “Seryoso itong video mo sa akin after ka nag-propose last Feb. 23. Sinadya ko na ngayon ipost. Kasi yung totoo, ang nasa isip ko while I was crying was first, si Daddy. Before he died, isa lang tumatak sa isip ko na sinabi niya, I wish you find true Purity of Love. Daddy was never showy to me and never nagbigay ng flowers sakin except when I met you. And wow! Grabe it hit me so hard, ang sakit and ang saya at the same time to feel this.

“Naiisip ko, he said that not just for me kundi para rin sa mga apo niya. Lalo na for Xonia and Xalene. Biglang I realized, how pure and true your love is. Hindi lang kasi ako ang tinanggap mo para mahalin but also Xonia and Xalene and you did this because lumalaki na sila and you want them to see the right thing. Always yung tama ang nakikita ng mga bata. Yan ang guage nila in finding the man they will love soon.”

At todo pasasalamat nga si Lian kay John. Minsan daw, napapatanong siya sa Diyos kung deserving ba siya sa love na binibigay sa kanya.

“You gave us the best. I love you Leonhardt.”

Pinost din ni Lian ang message niya na ito sa mismong kaarawan ng dalawang anak niya na sina Xonia at Xalene. Na masasabing lumaki na nga na si John ang nakasamang ama.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.