Una sa Balita

Nagpadala ng hubad na litrato (2)

By
0 1,246

Dear Dra Holmes:
Eto po ang aking mga sagot sa tatlong tanong ninyo:

1. Madalas po ba kayo wala sa bahay? Kunyari po, OFW kayo o madalas magbarkada?

Pareho po kami employee doc at araw-araw bukod sa Sat at Sun, wala po kami sa bahay…sa hapon, nasa bahay na kami galing work at nilalaro namin apo namin na 6 months old…

2. Ito po ba ang u­nang beses na alam ninyong ay nagawang ganito ang asawa ninyo?

Ngayon ko lang napansin doc na may ginawa siyang ganyan since November last year… sa huli niyang chat, sinabi niya sa Indiano, na wala na siya love sa akin… masakit pero nagtago muna ako sa damdamin ko…meron din siya karelasyong Pakistani at ganon din ginawa niya… may nabasa din ako na ba­lak pupunta ang Indiano dito sa Pinas para magmeet sila… sa mga salita ng Indiano, puro sex ang hangad sa asawa ko…doc, may sakit kaya asawa ko? Ano kaya ang gagawin ko para mailigtas ang aking pamilya?

Nababahala na po ako sa situwasyon namin pero kinokontrol ko lang ang sarili ko… may balak na ako na conprontahin siya at makipaghiwalay sa tamang panahon… sa ngayon, umaasa pa ako na maayos ang problema ito kasi naawa ako sa kanya at sa anak ko at sa apo ko kung iiwan ko sila… pero kung ganoon talaga hindi maayos, wala na ako choice
3. Kahit kailan po ba, nahuli kayo ng misis ninyo na nambababae?
Wala naman ako nakarelasyon na babae doc

Related Posts

Dear Rico:
Maraming salamat na sinagot mo ang a­king mga tanong. Mayroong dahilan na ito ang mga tanong na pinili ko.

Ang una ay dahil minsan, ang kalungkutan kapag malayo ang asawa ay malaking tukso para maghanap ng iba pero hindi naman ‘yun ang situwasyon ninyo. Ang ikatlong tanong ay dahil ang paggaganti sa ginawang masama ng asawa ay isa sa pinakapangkaraniwang dahilan na naglalalaki ang isang babae; pero sabi mo na hindi naman rin ‘yan ang nangyari sa inyo.

Minsan nga mas madali kung ang dahilan ay ang una o ikatlo, dahil kapag natanggal ang dahilan, maaaring bu­malik sa dati ang relasyon. Pero tila hindi ganito ang situwasyon ninyong magasawa.

Huwag ka sanang masyadong mag-alala, Rico, mahirap ang dinadaan mo ngayon pero sana ay magandang sulosyun pagkatapos ng lahat. To be continued…

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dra. Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy