Una sa Balita

Nagpadala ng alipores: Gloria umareglo sa senado!

By
0 465

MATAPOS ang halos dalawang linggong girian, pumayag na rin ang liderato ng Kamara na ibalik ang aprobadong bersyon ng 2019 national budget na naglalaman ng pinalobong pork barrel fund ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at mga kaalyadong mambabatas.

Ito ang kinumpirma ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson nitong Lunes, base na rin sa inihayag na impormasyon sa kanya ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora.

Batay sa pasabi ni Zamora, binanggit ni Lacson na babawiin ng Kamara nitong Lunes, Marso 18, ang enrolled copy ng 2019 proposed national budget.

“Yesterday he gave me a call and he said meron nang approval­ ang HOR leadership na ire-recall nila today. Walang ibang interpretation sa akin. Sabi ko that’s a good first move. From there yan ang way forward.” sabi ni Lacson.

Nauna rito ay nanindigan si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi niya pipirmahan ang enrolled copy ng panu­kalang budget hangga’t hindi binabawi ni Speaker Arroyo ang ginawang realignment sa ratipikadong budget.

Giit nina Sotto at Lacson, labag sa Konstitusyon ang ginawang pagkalikot sa budget kung ratipikado na ng Kamara at Senado ang bicam report.

Umaabot sa P95B ang ni-realign ng liderato ng Kamara kahit naratipika na ang panukalang P3.757T budget para sa taong 2019. Sa nasabing diskarte, binawasan ang pork barrel fund ng mga kongresista at kritiko ng administrasyon at dinagdagan naman ang mga kakampi ni Arroyo.

Bagaman may kumpirmasyon na si Lacson mula sa mapagkakatiwalaang mambabatas, duda pa rin itong iuurong talaga ng Kamara ang kanilang kinalikot sa 2019 budget.

“I have no reason to doubt the words of Rep. Zamora kasi sabi niya nga siya ang pinagkatiwalaan because magkaibigan naman kami to talk to the senators. But it bears watching today if today they will really withdraw their version of the enrolled bill,” sabi pa ni Lacson.

Sakaling magmatigas pa rin ang House leadership sa kanilang sariling bersyon ng enrolled bill, sinabi ni Lacson na mapipilitan talaga ang senado sa pagkaka­taong ito na pairalin ang reenacted budget hanggang sa matapos ang termino ni Arroyo sa Hunyo 30, 2019.

Sa isang ambush interview, nanindigan si Arroyo na ‘constitutional’ ang ginawa niyang post-bicam realignment ng budget. Kinumpirma din nito na itinalaga niya si Zamora para makipagnegosasyon sa Senado.

Ngunit sa interview naman kay Senior Deputy Minority Leader­ Antony Bravo, tinawag nitong fake news ang pahayag ni Lacson. “Balita ni Senator Ping ay isa na namang fake news,”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy