Una sa Balita

Nagngingitngit ako!’ Cherie Gil tinalakan si Alice Dixson

By
0 3,366

Si Alice Dixson kaya ang pinatatamaan ng aktres na si Cherie Gil sa kanyang rant sa Facebook na “feeling entitled” na artista at nagpakita ng hindi magandang attitude sa set ng isang teleserye?

Nag-post kamakailan si Cherie sa kanyang Facebook tungkol dito pero hindi niya pinangalanan ang naturang “feeling entitled” na artista.

“What I don’t understand is that some actors feel entitled and have the right to throw their weight around regardless of any and all such considerations.

“BAKET??? HINDI KA PA PINAPANGANAK artista na sila at ma­laking kontribusyon sa industrya na pinagkikitaan mo rin ngayon! So BEHAVE ka lang diyan pwede?! Nagngingitngit ako! #Breathe” post pa ni Cherie.

Bigla ay naglabasan ang mga balita na si Alice Dixson daw ang tinutukoy ni Cherie na nagpakita ng hindi magandang pag-uugali sa kanyang inang si Rosemarie Gil.

Magkasama sina Alice at Rosemarie sa ABS-CBN 2 teleserye na Ngayon at Kailanman.

Ayon sa kuwento ng ilang nasa production ng teleserye, may kung anong attitude daw si Alice na hindi nila nagugustuhan tuwing taping.

Ang naturang insidente raw with Rosemarie Gil ay isa lang sa mga hindi nakakatuwang ginawa raw ni Alice sa taping nila.

Kaya noong makarating daw kay Cherie ang ginawa ni Alice sa kanyang ina, nagalit daw ito at nagpadala raw ng reklamo ang aktres sa production ng teleserye.

Kaya naman biglang lumabas ang balitang tsutsugiin na si Alice sa Ngayon at Kailanman na ikinagulat mismo ng aktres.

Pero kuwento-kuwento pa lang naman ang lahat nang ito at wala pang official statement si Ali­ce tungkol sa lumalabas na mga reklamo sa kanya.

Sa ngayon ay tahimik pa rin si Alice pero hinihintay ng marami ang magiging sagot niya sa kanyang “attitude” at “feeling entitled” issue.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy