Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagnakaw ng halik, na-shotgun

0 124

Kritikal ang lagay ng isang lalaki matapos barilin ng kainuman nang nakawan ng halik ang kanyang kinakasama sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Abrugar, 37, habang ang suspek naman ay kinilalang si Jim Alex Bonete, 19, kapwa stay-in worker sa Santiago Game Farm sa Inosluban, Lipa City.

Sa report, alas-8:30 ng gabi kamakalawa nang makarating sa Lipa City Police Station ang report.

Bago ang insidente, kakatapos lang mag-inuman ng dalawa nang magalit ang suspek dahil biglang hinalikan ng biktima ang live-in partner ni Bonete.

Kasunod nito ay kinuha ng suspek ang 12 gauge shotgun at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa tiyan at braso.

Nakaratay ngayon sa Lipa City Rescue Team ang biktima habang naaresto ang suspek at nakuha dito ang

Harrington and Richardson Shotgun. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.