Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagnakaw na maid, driver tiklo sa FB

0 381

Matapos ma-post sa Facebook ang kanilang mga larawan, nadakip sa follow-up operation ang mag-live-in partner na nagnakaw ng mahigit P300,000.00 cash, alahas at mga gadget sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng qualified theft sina Jaimaca Buenvaje, 22, at Marc Andre Castillo, 22, pawang katulong at truck driver ng biktimang si Josephine Dipon, 41, negosyante, ng Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City.

Ayon kay Dipon, noong July 16 sinabi ng kanyang asawa na nakabukas ang vault sa kanyang kuwarto. “Kinabahan ako kasi hindi ko ‘yun iniiwan ng bukas lalo na pag umaalis ako, nung tignan ko wala na ‘yung P345,000.00 na cash pati na ang gold necklace ko na worth of P20,000,” ani Josephine.

Sa kuha ng CCTV nakita na lumabas ng kwarto si Buenvaje na may hawak na plastic. Nalaman din na wala na ang damit ng katulong at hindi na nagpakita sa kanila. Hindi na rin umuwi Castillo hanggang sa malaman niya na tinangay na rin nito ang P1,500 na budget sa delivery truck na minamaneho nito.

Ipinost ni Dipon sa kanyang Facebook account ang picture ng mag-live-in at reward money sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng dalawa.

“Bigla akong tinawagan ni Maica at humihingi ng “sorry” sinabi kung saan sila nagtatago, tapos isosoli na lang daw sa akin ‘yung mga ninakaw,” sabi ni Dipon. Dito na siya humingi ng tulong sa pulisya at pinuntaan ang pinagtataguan ng dalawa sa Paradise Farm, Liana Road, Tungko, San Jose, Bulacan at inaresto noong Biyernes.

Nabawi sa mga suspek ang tatlong cellphone, necklace gold at P280,000 na lang na cash ang kanilang nakuha dahil ipinang-shopping na ng mag-live-in. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.