Una sa Balita

‘Nagnakaw’ kay Pacquiao, itataob ni Crawford

By
0 1,634

Sa darating na Lingg­o (Sabado ng gabi sa Amerika), tatalunin ni former two-division champion American Terrence Crawford ang taong tumalo at ‘nagnakaw’ ng korona ni eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Ito ang matapang na deklarasyon ng 30-anyos na boksinger­o at idineklarang pupulbusin si WBO weltweight champion Jeff Horn ng Australia sa kanilang bakbakan sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa Hunyo 9.

Para sa 5’8” Omaha, Nebraska native, napa­kaimportanteng laban ito sa kanyang karera.

“It means a lot,” dada ng Kano. “I’m going to beat the man who beat (Manny) Pacquiao.”

Isa si Crawford sa milyon-milyong boxing aficionado na nagsasabing ‘ninakawan’ ni Horn ng korona si Pacquiao noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia.

Nagulat ang marami nang ideklarang p­analo ang 30-anyos na Australyano sa bisa ng unanimous decision kahit marami ang nagsasabing mas maraming konektang mabibigat na suntok ang kaliweteng Pinoy.

Hindi naman natitinag ang WBO 147-pound ruler. “I’ve been working very hard in the preparation for this fight,” ani Horn.