Una sa Balita

Nagmahal, nasaktan, nagbigti

By
0 78

“Kapag hindi ka dumating dito sa bahay, magpapakamatay ako!”

Ang bantang ito sa kanyang nobya ay tinotoo ng isang ng 24-anyos na lalaking caretaker matapos hindi dumating ang una sa bahay na binabanta­yan ng huli sa Bennet Road, ­Purok 5 Barangay Old ­Cabalan, Olongapo City.

Wala nang buhay nang madiskubre bandang alas-12:00 ng ha­tinggabi kahapon ng kanyang kapitbahay na ­napadaan lang sa lugar ang ginawang pagbibigti ng biktimang si Jay-R de Leon gamit ang isang lubid.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima na nakapa­nayam ng Abante, problema sa pag-ibig ang nakikita nilang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Ilang mga text messages umano buhat sa cellphone ng biktima ang kanilang nadiskubre kung saan ay hinihiling ng lalaki na makasama ang babae at pinapupunta sa binabantayang bahay nito.

Subalit hindi umano­ dumating ang babae hanggang sa magdesisyon ang biktima na wakasan na ang sariling buhay. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy