Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naglalaway kay Anthony sorry

0 136

DATI, nagsisimula ang NBA free agency isang linggo pagkatapos ng draft.

Naka-iskedyul sa Nov. 18 ang Draft, pero wala pang binabanggit kung kailan puwedeng maggalawan para makapamingwit ng free agents.

Ang isang posibleng date ay sa Dec. 1.

Hindi pa rin puwedeng magkasa ng trades.

Si Lakers star Anthony Davis ang tops sa listahan ng free agents ngayong 2020 pero nagpahayag na siyang hindi aalis ng Los Angeles kaya sorry na lang sa mga nag-aabang.

Top restricted free agent si Brandon Ingram pero inaasahang mananatili rin sa New Orleans. Galing Lakers si Ingram, kasama sa trade package na nagdala kay Davis sa LA.

Ilan pa sa may mga pangalang malilibre sina Gordon Hayward, DeMar DeRozan at Andre Drummond.

Sa mga unrestricted free agents, pinakamaangas sina Danilo Gallinari, Fred VanVleet at Montrezl Harrell.

Nasa listahan din ng free agents sina DeMarcus Cousins, Kentavious Caldwell-Pope, Jae Crowder, Goran Dragic, Derrick Favors, Jerami Grant, Serge Ibaka, Paul Millsap, Marcus Morris, Markieff Morris, Tristan thompson, Hassan Whiteside at Jordan Clarkson. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.