Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naglakwatsa, 2 bata nalunod

0 14

WALA nang buhay ang dalawang menor-de-edad na bata habang nakaligtas ang isa pa matapos silang malunod sa ilog sa may Barangay Disusuan, San Mariano, Isabela noong Linggo.

Kinilala ng San Mariano Police Station (SMPS) ang isa sa batang biktima na si Linlin Panuncio, 10, at isang 8-anyos na kamag-anak, ng nasabing barangay. Nakaligtas naman si Elsa Baga-in, 14, kapitbahay ng dalawang biktima.

Sa report ng SMPS, sinabi ni Barangay Disusuan chairman Reynaldo Guttierez, na tumakas ang mga biktima sa kanilang mga bahay para maligo sa Disabungan River at tiniyempo na nagsimba ang kanilang

mga magulang.

Ayon Guttierez, habang papauwi ang magsasakang si Edmund Palason ay namataan ang tatlong bata Agad sinaklolohan ang mga ito subalit tanging si Baga-in ang nailigtas. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.