Una sa Balita

Nagkulong sa hotel: Regine dinedma ang kagandahan ng New Zealand

0 1,965

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, type kung pumunta sa New Zealand at bisitahin ang top attractions nila like Waitomo Caves at ang Hobbiton Movie Set ng “The Lord of the Rings” pero alam mo ba na si Regine Velasquez-Alcasid ay pinalampas ang pagkakataon na magpunta roon noong Sunday?

After kasi ng sold out concert niya sa Victory Convention Centre noong Saturday, pasyal-pasyal naman ang group nina Regine na nagpunta sa New Zealand, pero nag-decide nga raw ang misis ni Ogie Alcasid na huwag sumama sa mga nasabing attraction.

Sobrang pagod din kasi si Regine sa napakarami niyang schedules simula pa noong October na nag-Amerika sila, ‘tapos nag-Sydney, Australia pa at kaliwa’t kanang gues­ting sa mga show ng ABS-CBN at nag-concert series pa sa New Frontier Theater, ‘yung Regine at the Movies, then nag-guest pa sa concert ni Jed Madella sa Araneta Coliseum at may ASAP Natin ‘To every Sunday (nag-tape rin siya ng ilang segment ng show na ipinalabas noong Sunday), kaya kuwento ng sister at executive assistant niyang si Diane Velasquez-Roque, nagtulog na lang daw ang Asia’s Songbird.

“Hindi po sumama si Ate kahapon sa Waitomo at Hobbiton. Gusto po raw kasi ni Ate na magtulog na lang para makabawi rin. Mas okey raw po kasi na makapag-rest naman siya,” kuwento ni Diane nang maka-chat ko siya kahapon.

Ang mga kasama nga ni Regine, nag-enjoy sa pamamasyal, pero siya naman, nakabawi ng pagod dahil mas piniling matulog.

Kahapon naman, lumabas lang si Regine ng hotel room niya para magpunta sa bahay ng kanilang producer dahil may pa-lunch doon at balik-hotel din daw kaagad para makapagpahinga na naman.

Health is wealth nga naman, kaya no more lakwatsa muna for Regine at pinili niyang makapag-rest na lang.

Excited nga pala siyang umuwi para makapiling naman ang mag-ama niyang sina Ogie Alcasid at Nate, pati ang stepdaughter na si Leila Alcasid (actually, anak kung tawagin ito ni Regine) dahil bago siya nag-New Zealand ay nag-Seoul, Korea naman ang mister para sa taping ng Home Sweetie Home.

Habang wala nga pala si Regine, si Ogie ang nagpunta sa Manila reception ng Bali, Indonesia wedding ni Christian Bautista kay Kat Ramnani.

Ninong at ninang ang mag-asawa sa kasal na ‘yon, kaya kahit wala si Regine, si Ogie ang nagpunta sa Manila Hotel noong Sunday.

Isa nga pala si Christian sa mga dating kasamahan ni Regine sa GMA-7 na nagtatanggol sa Asia’s Songbird sa mga namba-bash dito dahil sa pag-alis sa Kapuso network ng misis ni Ogie.

Daniel nag-bodyguard kay Kathryn sa Amerika

Isu-surprise ko sana si Richard Gutierrez nang mag-guest siya sa “Anything Goes” online show ko sa Abante News Online facebook page para sa promotions ng Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry na Fantastica.

Kasama sana sa mga ipo-phone-patch ko si Daniel Padilla na naging malapit sa kanya habang ginagawa nila ang primetime series na La Luna Sangre ng ABS-CBN.

Pero medyo nahirapan si Karla Estrada na kontakin ang anak dahil nasa Amerika raw ito. It turned out na kaya nandoroon si Daniel ay dahil sinamahan niya ang girlfriend na si Kathryn Bernardo na um-attend sa premiere night sa Pasadena, California ng Three Words To Forever movie nila nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

O, ‘di ba, ang sweet na boyfriend ni Daniel dahil kahit hindi siya kasama sa pelikulang ‘yon ay sinamahan naman niya si Kathryn sa Amerika, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More