Una sa Balita

Nagkita sa resto: Jerich, Romnick nag-ambahan ng suntok

By
0 10,517

Kitang-kita sa isang video na lumabas sa Instagram ang pagkikita nina Jerico Rosales at Romnick Sarmenta sa isang restoran. Sa simula ng video ay makikita na naglalakad si Romnick papasok ng resto, at binabati, kinakamayan ng mga tao.

At kasunod na video, makikita naman si Jericho na nakaupo, may kausap. At tulad ng nakasanayan na, very Echo, na with matching hand gestures, at todo emote na nagkukuwento ito sa kausap, kaharap niya.

Maya-maya ay big­lang lumapit si Romnick sa kinalulugaran ni Jericho. Napatayo si Jericho na tila gulat na gulat.

Umamba ng suntok si Jericho, at agad siyang hinawakan ng babaeng katabi niya. At si Romnick naman, siyempre umamba rin ng suntok.

Ay, parang eksena sa teleseryeng Halik, na kung saan ay gumaganap si Jericho bilang si Lino, at si Romnick naman si Mauro.

“Nagkita na sina Lino at Mauro,” sabi ni Karla Pambid na kasama sa event na ‘yon.

Well, hindi man eksena sa teleseryeng Halik ang pagkikita na ‘yon nina Romnick at Jericho, at hindi rin naman dapat seryosohin ang ambahan nila ng suntok.

Actually, thanksgi­ving party ‘yon ng Halik dahil sa tagumpay nga na tinatamasa ng teleserye nila sa ratings. At yes, sa restoran na Salu, na kung saan ay isa si Romnick sa may-ari, ginanap ang event.

Well, biruan nga ‘yon, at ang ambahan ng suntok ay nauwi sa yakapan, at siyempre sa bonggang-bonggang kuwentuhan.

Siyanga pala, ma­kikita rin ang mga photo na super kuwentuhan din sina Jericho at Sam Milby, ha! At may video rin na todo jamming sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy