Una sa Balita

Nagkapikunan sa inuman, magsasaka kritikal sa pananaga

0 264

kritikal ang kalagayan ng isang magsasaka makaraang mataga sa leeg at dibdib ng nakaaway na kainuman noong Sabado nang gabi sa Brgy. Siimbaan, Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Renato Morales sa tanggapan ni Police Colonel Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police Director, nakilala ang biktima na si Reynante Dollente Remoblas Sr., residente ng Brgy. Simimbaan, Cuyapo.

Nabatid na dakong alas-11:00 nang gabi kaharap sa inuman ng biktima ang kabarangay na salarin na si Predencio Lim Cabico Sr., 52-anyos.

Nagkaroon umano ng kumprontasyon ang dalawa ukol sa matagal ng alitan at humantong sa pamamalo ng bote ni Remoblas sa ulo ni Cabico.

Gayunman nang gumanti si Cabico ay nakakuha ito ng itak at inunda-yan sa leeg at dibdib si Remoblas.

Nang maawat ang dalawa ay nadala si Remoblas sa Guimba District Hospital samantalang naaresto si Cabico at kasalukuyang nakapiit sa police custodial facility. (Jojo de Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy