Una sa Balita

Nagkandakuba sa pagkayod para sa ampon

0 305

HELLO po sa inyong lahat,

Napakadakila naman talaga nitong kapitbahay ko dahil kasehodang magkandakuba na siya sa pag­lala-bada basta maitaguyod lang niya ang ­inampon nyang bata. May ­asawa sana itong kapitbahay ko kaso sinawing ­palad nang maaksidente sa construction site.

Buhay pa ‘yung mister niya nang ampunin nila ‘yung batang lalaki. Masaya na sana sila dahil nga para na nga rin naman silang may anak kahit baog ‘yung la­laki hanggang sa ganon nga ang nangyari. Nabalo siya ng maaga dahil sa masaklap na pangyayaring yon.

Ang ginawa ­naman niya nung namatay ang asawa niya, sinikap niyang kumayod para mabuhay silang ­dalawa nung bata. Ngayon, three years old na ang ampon niya at talaga namang ginagawa niya ang lahat para lumaki ‘to ng maayos kahit paglalabada ang ikinabubuhay niya.

Related Posts

Dati, nilalagay lang niya sa duyan ‘yung bata habang naglalaba sya sa bahay nila.

Ngayon, nasa loob lang ng bahay ‘yung bata at nag-aaral magsulat at ­mag-drawing habang kumakayod siya. Buti, mabait ang bata at madaling pasunurin kaya hindi rin naman sumasakit ang ulo niya sa pag-aasikaso.

Sana nga, may lalakeng maka­kita ng ­kagandahang puso niya at nang may makatuwang naman siya sa buhay. Bata pa naman siya sa edad na trenta at puwede pang mag-asawa.

Ang inyong ma-tsikang kapitbahay
Lala of Cavite City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy