Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagkamal ng 7.7M: Yassi wagi sa panggagamit kay Joshua

0 526

Sumakay na rin si Yassi Pressman sa kasikatan ni Joshua Garcia sa TikTok.

Ang mahusay na batang actor nga ang bagong ka-duet ni Yassi sa naturang social media application.

“Sorry Josh. I had to haha!” sabi ni Yassi.

Well, mapapanood nga sa video ang pagsayaw pa rin ni Joshua na unang pinost sa TikTok account niya kamakailan.

At si Yassi nga ay ginawang komedya ang video na pinalabas niyang nabatukan siya ni Joshua habang kiyeme-kiyemeng magkasama sila. At umabot sa punto na tila napikon pa si Yassi at balak niyang sapakin si Joshua, ha!

Sa ngayon ay may 7.7M view na ang video na `yon ni Yassi with Josh. Pinakamataas na view na nakuha ng TikTok account ni Yassi, habang sinusulat ito.

Ang orig na video naman ni Joshua na pinagkunan ni Yassi ng duet nila ay umabot na sa 11.4M view, sa loob lang ng isang linggo.

Meaning, waging-wagi si Yassi sa paggamit niya sa video o pakikipag-duet niya kay Joshua, di ba?

Garcia pinaha-hunting kay Cardo Dalisay

Kaaliw lang ang mga fan dahil sinusulsulan nila si Yassi na magsumbong kay Cardo Dalisay, dahil nabatukan nga raw siya ni Joshua. Heto nga ang komento ng mga fan:

“Cardo asan ka na?” “Sumbong mo kay Cardo?” “Kuya Cardo labas.”

“Lago ka Joshua kay Cardo.” “Daming batok noon, ha! Hahantingin ka ni Cardo.” “Joshua yari ka kay Cardo.” “Joshua magtago ka na, immortal ang kalaban mo.” “Jusko naman Joshua, bakit mo sinaktan si Yassi. Lagot ka.” “Cardo is coming.”

Well, bongga nga di ba? Ang tagal na ni Yassi na wala sa ‘Ang Probinsyano’ pero up to now, nili-link pa rin siya kay Coco Martin. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.