Una sa Balita

Nagkalat na litrato ni Isabel sa ataul kinondena

By
0 175

Makikita ang tunay na karak­ter ng mga tao ayon sa mga salita na lumalabas mula sa kanilang mga bibig at mga opinyon nila tungkol sa mga isyu tulad ng pagkalat ng mga litrato ng walang buhay na si Isabel Granada na kinokondena ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

May mga nagpakilala na mga tagahanga ni Isabel na nakatira sa malalayong lugar na nagsabi na tama lang na i-post sa social media ang larawan ng lifeless body ng aktres para makita nila sa huling pagkakataon dahil wala silang panahon na pumunta sa burol.

Hindi inisip ng mga makikitid ang isip na mismong ang pamilya ni Isabel ang may hi­ling na huwag kunan ng litrato ang bangkay ng aktres pero puma­yag sila na magkaroon ng public viewing para sa kapakanan ng fans.

Respeto lang ang hinihingi ng nagluluksa na pa­milya ni Isabel na hindi ibi­nigay ng mga tao na nagpapanggap na mga tagahanga pero ang totoo, nakikitsismis lang at nagpapabibo na nakunan nila ng litrato ang labi ng yumao.

May mga Filipino naman na hindi ginamit ang kanilang pinag-aralan o kulang sa edukasyon dahil sila ang nagkakalat ng fake news tungkol sa diumano’y nangyari kay Isabel sa Doha.

Hindi namin magawa na isulat ang buong detalye ng kumakalat na fake news na nakakarimarim at magagawa lamang ng mga tao na hindi normal at may demonyo na klase ng pag-iisip.

Kawalan ng respeto sa namayapa ang ikinakalat na fake news ng mga kababayan natin na insensitive at lantaran na nagpapakita ng kanilang mga kabobohan.

Samantala, magaganap ngayong hapon, November 12, 1 p.m., ang huling misa para kay Isabel Granada sa Arlington Memorial Chapels.

Nakatakda ang cremation sa bangkay ni Isabel pagkatapos ng Banal na Misa, 2 p.m., at ibabalik ang cremated remains niya sa Santuario de San Jose, East Greenhills, Mandaluyong City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy