Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagkakaisa sa pagbangon

0 92

Tuluyang nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ng Covid19 sa bansa. Dahil dito, nananatili din na nasa alert level 1 ang karamihang lugar kasama na ang National Capital Region. Paunti unting isinusulong na ang mga gawaing napigilan nitong nakalipas na dalawang taon dahil sa mga quarantine at lock down. Ang mga manggagawa ay bumabalik na sa kani kanilang mga trabaho at obligasyon mula sa work from home na nakasanayan. Ang mga magaaral ay naguumpisa na ding na pumasok sa kanilang mga paaralan.

Ang mga mangagamot din ay hindi naiiba. Binabalik na din nila ang mga pag trato sa mga pasyente. Mula sa kasagsagan ng mga teleconsults ay nanunumbalik na sa mga klinika at nagumpisa nang tumingin ng face to face o pisikal. Iba pa din naman kasi ang makausap ng maayos ng hindi nagkakaproblema dahil sa internet service. Ang maeksamin ng maayos, mahaplos at makapa ng mabuti ang irinireklamong mga bahagi ng katawan at mapakinggan ang mag organo sa pamamagitan ng stethoscope ay magagawa na muli. Ganoon din sa pagpapatuloy ng tinatawag na Continuing Medical Education. Ito ay bahagi ng responsibilidad ng mga doktor upang ipagpatuloy ang pagaaral ng panatiliin nilang makabago, updated kanilang mga kaalaman upang magamot ang kanilang pasyente. Kasama sa pinaiigtingan din ang mga prinsipyo na kinakailangan para sa ikabubuti ng may karamdaman. Hindi ito natigil pandemya man o hindi, ngunit dahil sa takot at protocol na kinakailangan, katulad sa mga magaaral ay virtual at digital din ang ikinalabasan upang ipagpatuloy ang mga ito. Ang new normal ay nanunumbalik na nga sa prepandemic na kundisyon, ngunit pinapanatili pa din ang mga minimum health requirements. Naguumpisa na magkaroon ng mga face to face at pisikal na mga conventions para dito ngunit nananatili ang virtual na parte kaya tinuring na hybrid. Nagkakaroon na ngpagkakataon ipagpatuloy ang kaalaman na nakakausap ng maayos ang isa’t isa at nakukuhang magkikita at magpulong ang mga iba’t ibang doktor para sa ikabubuti ng kanilang mga pasyente.

Isa na dito ang pinakamalaking organisasyon ng mga doktor, ang Philippine Medical Association, na halos lahat ng manggamot sa buong bansa ay miyembro nito. Gaganapin ang 115th annual convention na hybrid na may temang “Nagkakaisa Sa Pagbangon”. Nakikiisa din ang mga manggamot na makabangon ang bansa mula sa Covid19. Ito ay sa darating na 19 hanggang 22 ng buwan na ito at inaanyayahan natin ang lahat ng mga doktor na dumalo at makipagisa, pisikal man o virtual. Mag log in lamang sa www.philmedas2022convention.com upang makarehistro.

Paraito sa ikabubuti nating lahat para sa ating mga pasyente at kababayan. Kaya rehistro na!

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.