Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagka-virus: K Brosas gumawa ng huling habilin

0 83

Gaya ni Angeline Quinto, gumaling na rin si K Brosas sa COVID-19, matapos ang 17 araw na isolation, self quarantine.

Ibinahagi ni K sa Instagram ang RT PCR result na nagpapakitang negative na siya sa virus.

Sorpresa sa mga follower ni K ang post niya dahil walang paramdam ang komedyante sa kanyang pinagdaanan. Ibinahagi ni K ang journey niya sa COVID-19 na sabi nga niya ay mental torture.

Sinabi niya na kahit mild lang ang tumama sa kanya, napraning siya sa posibleng pamamaalam sa mundo.

Sabi ni K, sinadya raw niyang hindi i-document ang pagpapagaling sa virus, pero nag-video siya nang ‘huling habilin’ kung sakaling lumala at mamatay siya sa virus. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.