Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagipit sa pera

0 78

Nagkaroon ako ng panaginip nito lang, ang nangyari e kasama ko raw ‘yung mga kaibigan ko tapos nanghiram ako sa kanila ng pera. Nagulat sila kasi hindi naman ako umuutang sa kanila kahit dati pa. Binigyan naman nila ako, pero paggising ko, pakiramdam ko ang weird nga ng panaginip ko dahil hindi naman talaga ako umuutang hanggat maaari. Ano kayang ibig sabihin nito?

– Rosy

Ang panaginip tungkol sa panghihiram ay posibleng isang masamang pangitain.

Kapag nakita mo ang iyong sarili na umuutang ng pera o humihiram ng bagay mula sa ibang tao maaaring sinisimbolo nito na kinukuha mo ang kaalaman ng ibang tao para makaangat ka sa buhay.

Pero bukod dito, mayroon pang ibang mga kahulugan ang panghihiram sa panaginip. Halimbawa na lang ay kung nakipag-meet ka sa isang tao o sa kaso mo e nakipagkita ka sa mga kaibigan mo, tapos humiram ka ng bagay mula sa kanila, ibig sabihin nito ay maaaari kang makatanggap ng good news.

Mahalaga rin na matandaan ang feelings natin pagkatapos na mapanagipan ito. Posible rin na may mga kaganapan sa iyong panaginip na naging dahilan kung bakit mo naramdaman ito. Sa ganitong paraan ay mas maiintindihan mo ang iyong panaginip.

Ang panghihiram ng pera ay iyong panaginip ay tanda ng sinasadyang panlilinang. Isa rin umano itong sign na kailangan mong mag-ingat sa isang malaking pakalugi. Maaari kang makaharap ng financial problem sa waking life mo kaya planuhing maigi ang badyet.

Pero kung sakali naman na ang napanaginipan ng isang tao ay siya ang inuutangan o hinihiramam ng iba, nangangahulugan naman ito na may lalapit sa iyo para hingin ang iyong payo at importante na makapagbigay ka ng magandang mungkahi para sa kanya.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.