Una sa Balita

Nagigising sa ihi

By
0 8

Bakit kaya madalas akong umihi pero hindi naman masakit? Nagigi­sing ako sa gabi dahil dito. — Nestor ng Mandalu­yong City.

***

Kadalasan nakaka apat hanggang walong punta sa CR ang tao sa isang araw. Kung higit pa dito o gumigising ka sa gabi para umihi, frequent urination ang problema mo. Pwedeng mangyari ito sa umaga o gabi (nocturia) at maraming dahilan ito.

Maaring madami kang iniinom bago matulog o may sakit ka. Kapag may kasamang lagnat, mahirap pigilin ang ihi at masakit ang tiyan, baka meron kang urinary tract infection. Pwedeng sintomas ito ng diabetes kung madami ang ihi at lagi kang gutom, uhaw at bumababa ang timbang. Epekto din ito ng lumalaking prostate gland.

Ang stroke at ilang neurological diseases­ ay sa pang dahilan ng frequent urination. Kung may high blood at gumagamit ng diuretic, tiyak na dadami din ang ihi. Sintomas din ito ng bladder cancer o epek­to ng radiation therapy pero bihira ito.

Subukan mong bawasan ang pag-inom ng tubig sa gabi. Iwasan uminom bago matulog. Iwasan ang caffeine, alak, carbonated drinks, produkto na may kamatis, tsokolate, artificial sweeteners, at maanghang na pagkain.

Kung walang nangyari, magpa-checkup sa doktor para malaman kung may sakit ka at ma­bigyan ng tamang gamot.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 0935-972-0691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.