Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naghanap sa kawalan

0 39

Mayroon daw akong hinahanap sa panaginip ko, nagpunta ako sa isang subdivision na malapit lang din dito sa amin, tapos hinanap ko ang isang kaibigan, ang alam ko raw ay green ang gate nila at nakita ko naman agad ang isang green na gate dahil unique ito sa isang street at katabi ng mga puting bahay parang siya ‘yung bagay na hinahanap ko sa kabila ng kawalan. Pero imbes na huminto para kausapin sana ang kaibigan ko, ay nagpatuloy ako sa pagba-bike hanggang sa mapunta ako sa isang tennis court, doo ay nakipaglaro raw ako sa mga naglalaro kahit na sa totoo eh hindi naman ako talaga maruning ng kahit anong sports maliban sa mga mobile game.

Ryan

Kung sa totoong buhay ay athletic ka talaga o mahirap maglaro ng sports, maaaring wala namang espesyal na kahulugan ang panaginip mo. Pero dahil sabi mo ay hindi ka naman talaga mahilig sa mga ganito ay may maaaring maging iba ang pagpapakahulugan ng panaginip mo.

Pwedeng salamin ito ng pagkakaroon mo ng kompetisyon sa sarili o sa iba, kahit hindi nila ito napapansin. Indikasyon din ito na masyado mong pinipilit ang sarili para magtagumpay, pero babala rin ito na maghinay-hinay ka huwag i-overdo ang mga aktibidad mo.

Habang ang paghahanap mo naman ay maaaring mayroon ding sinasalamin sa totoong nangyayaro o emosyon mo. Nangangahulugan ang paghahanap mo sa panaginip na maaaring may mawala sa iyong pera o kaya ay kita sa tindahan.

Pinapakita ng panaginip mo na kailangan mong gumawa ng desisyon tungkol sa isang importanteng paksa. Nangangahulugan din ang panaginip mo na kahit anuman ang hinahanap mo sa ngayon sa totoong buhay, makikita mo ito pero hindi libre ang proseso.

Mahalaga na maipakita mong skilled ka naman at karapat-dapat sa ibibigay na resposibilidad sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.