Una sa Balita

Nagbunga ang effort ni Coach Chualay

0 221

Nakitaan ng weakness ni Coach Leo Austria ang TNT KaTropa nitong nakaraan finals kaya tinalo nila ang mga ito.

Una, walang pantapat sa import ng SMB na si Chris McCullough ang TNT kaya sinamantala ng SMB na magsabay parati sila sa loob ng court.

Siyempre congratulations sa GM ng SMB group na si dating coach Al Francis Chua sa isa na namang blockbuster trade dahil nakuha nila ang isa sa pinakamahusay na scoring machine na si Terrence Romeo.

Ang laking sugal nito pagdating sa chemistry ng SMB pero may nakita si Coach Chualay na hindi nakikita ng ibang coaches kay Romeo.

Halos ipamigay na ng mga ibang team si TR nang walang kapalit tulad ng NorthPort at TNT sa kadahilanang maraming issue tulad ng mahirap daw makasama sa loob, hindi namamasa, ma-dribble at kung ano-ano pa.

Biglang lumakas ulit ang Beermen. Nagkaroon sila ulit ng ibang sco­ring option sa pagdating ni TR.

Parang nabura ni TR ang mga naging akusasyon sa kanya ng mga tao sa ganda ng ipinakita niya nitong finals.

Hindi rin binigo ni TR ang ang kanyang mga kasama sa nilaro nito. Puwedeng-puwede siyang pumalit kay Marcio Lassiter.

Ang pagiging Finals MVP ni TR ay patunay na nakapag-adjust na siya sa bago niyang team, natanggap na niya ang kaniyang role sa SMB.

Isa lang ang superstar sa San Miguel na walang iba kundi si June Mar Fajardo na siyang buhay ng SMB. Bumalik na rin ‘yung kumpiyansa niya at naniniwala na siya na team pa rin ang mananaig kung gusto mong mag-champion.

***
Good gesture ‘yung ginawa ni Arwind Santos sa pag-apologize kay Terrence Jones bago mag-start ‘yung Game 6.

Nagkaroon ng ‘di kanais-nais na pag-asta si Arwind nang mag-unggoy-unggoyan sa bench dahil sa sobrang ganda ng laro ni Jones. Hoping siya na baka ma-distract niya ‘yung laro ni Jones.

Pagdating sa PBA Finals talagang it will always bring out the best and the worst in every player.

It’s a man’s world. Bawal ang pikon, duwag, nerbiyoso, takot, balat-sibuyas o sobrang tapang atbp.

Dapat sakto lang ang demeanour mo. Grabe ang pressure ng laban. Naglalakihan ang mga bonus at kung ano-ano pa.
Kaya congrats SMB!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy