Una sa Balita

Nagbenta ng P14M shabu, lalaki tinimbog

0 358

Di na nakapalag pa ang isang lalaki nang mabisto ang pagbebenta nito ng shabu na umaabot sa halagang P14 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bagbag, Novaliches Quezon City, Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Henry Amancia, ng Quezon City Police District Station 4, nakorner ang 31-anyos na suspek na taga-Navotas sa isang apartelle. Nakumpiska rito ang isang bloke ng shabu at drogang nakasilid sa mga Chinese tea bag.

Agad namang itinanggi ng suspek na sa kanya ang droga. Aniya’y inutusan lang siya sa nasabing apartelle para ihatid ang nakumpiska ditong illegal drugs.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More