Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagbenta ng lason

0 49

Ano kayang ibig sabihin ng lason sa panaginip? May nakita kasi akong lason sa panaginip ko. Hindi ko alam kung anong material ang ginamit basta nakalagay na lason ‘yon. Tapos parang bumili daw ako non para ibenta rin sa mga kasama ko sa dorm. Hindi ko na masyadong matandaan ‘yung ibang details pero ganoon nangyari.

  • Samuel

Ang lason sa panaginip ay isang negatibong simbolo na nagrerepresenta sa toxic environment na ginagalawan mo, mga tao na nakakasama, o kaya naman ay iba pang aspekto ng waking life mo na sa tingin mo ay nagpapabagal sa iyong personal growth o kaya naman ay pumapatay sa mga goal mo sa buhay.

Isa itong babala na kailangan mong bigyan ng atensyon ang mga toxic na elemento sa buhay mo. Depende sa kung gaano kadalas mo napanaginipan ito, sinasabi ng panaginip mo na malapit mo nang matuklasan ang nagbibigay ng banta sa kasiyahan mo.

Tandaan na ang ginagawa ng lason sa atin ay pigilan o harangan ang paglabas ng tunay mong sarili. Kapag ang taong nakapanaginip nito ay natukoy na kung sino o ano ang natatagong toxic threat sa iyong buhay, mas magiging maayos at healthy ang kanilang buhay.

Hindi madaling matukoy kung ano o sino ang lason sa buhay kaya naman dapat na maging alerto at pigilan ito agad bago pa man makapaminsala.

Nangangahulugan ang pagbili ng lason na ikaw ay ambisyoso, pero sa negatibong paraan. Maaaring hindi mo pinipili kung paano mo maaabot ang iyong goal, ang mahalaga ay makamit mo ito kahit pa makasakit sa ibang tao ang ginagawa mo.

Kailangan mong tandaan na hindi mo dapat pinuputol ang magandang relasyon para lang sa iyong ambisyon. May kapalit ang lahat ng desisyon mo at maaaring pagsisihan mo ito sa hinaharap kaya mag-ingat.

Ang pagbebenta naman ng lason ay nagsasabi na mayroon kang kinakatakutan. Pinipilit mo ang ibang tao na siyang lumaban para sa iyo. Maaring magtagumpay ka ngayon pero magba-backfire ito sa iyo sa mga susunod na panahon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.