Una sa Balita

Nagbalot ng relief goods para sa 15,000 flood victims

AFP, GOYO cast, DSWD, GLOBE sanib-puwersa

0 143

NAGSANIB-PUWERSA ang Armed Forces of the Philippines Reserve Command (AFPRESCOM), cast ng pinakaaabangang pelikula na ‘Goyo: Ang Batang Hene­ral’, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Globe Telecom sa pagbabalot ng relief goods para sa mahigit 15,000 katao na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng monsoon rains.

Sa pamamagitan ng nationwide volunteering program na tinawag na ‘Time Please’, ang citizen soldiers ng AFPRESCOM, cast ng ‘Goyo: Ang Batang Heneral’, sa pangunguna ng aktor na si John Arcilla, DSWD staff, at ang mga empleyado ng Globe ay nagtipon-tipon kamakailan sa DSWD Natio­nal Relief Operations Center (NROC) sa Pasay City upang maghanda ng kabuuang 3,900 food boxes na kinabibilangan ng bigas, kape at canned goods, para sa mga biktima ng baha sa Central Luzon, Cordillera, Zamboanga, Western Visayas, Calabarzon at Mimaropa regions.

“Volunteerism cuts across all social classes and all professions, from the government to the private sector to even the entertainment industry. This is an advocacy where all of us come together, and somehow, create ripples of impact for our nation,” pahayag ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer and Senior Vice Pre­sident for Corporate Communications ng Globe.

Ang pagbaha bunga ng monsoon rains noong Agosto ay nagresulta ng mala­king pinsala sa imprastraktura, farm lands at livestock, gayundin sa kabuhayan ng mga apektadong komunidad. Upang magbigay ng suporta, nasa 80 volunteers ang nagsanib-puwersa at nagtipon-tipon sa NROC ng DSWD sa Pasay City para tumulong sa paghahanda ng food boxes para sa mga apek­tadong komunidad.

Sinabi ni Brigadier Ge­neral Rolando Rodil, Commander ng AFP Reserve Command, na: “This acti­vity highlights the solidarity of the private sector and the military through our reservists amid the challenge­s brought about by these calamities. With genuine compassion, we can help build the country and do our share to alleviate the plight of our less fortunate countrymen.”

Bukod sa AFP at DSWD, ang Department of Education (DepEd) at Boy Scouts of the Philippines (BSP) ay kabilang sa mga pangunahing organisasyon na nakipagpartner sa Globe para sa nationwide volunteering program.