Una sa Balita

Nagbaklas ng X-ray mobile scanning sa MICTSI kasuhan

0 309

NANANAWAGAN ang isang kongresista kay Bureau of Customs (BOC) Chief Rey Leonardo Guerrero na habulin at panagutin ang opisyal ng kawanihan na nagtanggal ng X-ray mobile scanning unit sa Customs Clearance Area ng Mindanao International Container Terminal Services Inc. (MICTSI) sa Phividec Industrial Estate Complex, Misamis Oriental

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, dapat ipursige ni Guerrero ang kasong kriminal at administratibo laban sa diumano’y pasaway na opisyal.

Ang pagbaklas ng X-ray unit ay maaaring magbigay-daan sa smuggling ng iligal na droga, mga armas, at iba pang kontrabando sa MICTSI sa pamamagitan ng tinatawag na ‘swinging operation.’

Sa liham kay Guerrero, binigyan-diin ni Nograles na walang awtoridad si Director Eduardo Chico ng Ports Operations Service, Assessment and Operations Coordinating Group na bawiin o ipawalang-saysay ang Administrative Order (AO) No. 296 na inisyu ni dating Pangulong Fidel Ramos noong taong 1996.

Ang nasabing AO ay nagbigay-daan para maitatag ang Customs Clearance Area sa mga Special Economic Freeport Zone.

Inihayag ni Nograles na nilabag ni Director Chico ang Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Noong kalagitnaan ng Disyembre 2018 ay ibi­nalik ni District Collector Calixihan ang X-ray mobile scanning unit sa Customs Clearance Area matapos kuwestiyunin ni Nograles ang iligal na direktiba. (Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy