Una sa Balita

Nagbago na ang ihip ng hangin kay Romeo

0 319

Marami ang natuwa sa paghirang kay Terrence Romeo bilang Finals Most Valuable Player (MVP) ng katitiklop lang na 2019 PBA Commissioner’s Cup finals na pinagwagian ng San Miguel Beermen laban sa dati rin niyang team na TNT KaTropa.

Bukod sa ikalawang sunod na championship ito ni Romeo, unang Finals MVP rin ang nakamit ng fiery point guard at off the bench pa mula 2012 nang makamit din ito ni Larry Fonacier sa Philippine Cup.

Naglista si Romeo ng 14.8 points, 4.3 assists at 2.3 rebounds average sa anim na laro sa championship series kahit pa off the bench ang role niya mula sa pagiging dating franchise player ng GlobalPort at three-time scoring champion.

Parang kailan lang, kabi-kabilang kontrobersiya ang kinasangkutan ng 27-anyos na ngayong 2013 first round pick (No. 5) ng GlobalPort.
Noong mga nakalipas na buwan, marami ang tila hindi nakakaintindi at naiirita sa pag-uugali ng player sa loob at labas ng hard court.
Pero eto na siya ngayon, isa nang ganap na Finals MVP.

Isa sa sinasabing rason kung bakit gumaganda ang laro ni Romeo ay dahil sa pagbabago ng ugali nito, na nag-mature na daw sabi ng mga netizen.
Hindi na daw ito pasaway o sakit ng ulo sa kanyang koponan at mga kakampi.

Kung totoo ito, aba’y napakagandang balita. Dahil napakarami talagang umiidolo sa player na ito.

“For me, I’m just blessed that this happened, because any one of us could’ve won this. I’m just lucky to have won this award,” sey ni Romeo matapos magkampeon ng Beermen nitong Biyernes.

Sana nga ay tuluyang nang nagbago si Romeo, malay natin, sa mga susunod na panahon ay kunin ulit ito sa Gilas Pilipinas.

Malaki tiyak ang maitutulong niya sa koponan.
Congrats Terrence!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy