Una sa Balita

Nagbago daw, binabae na!

0 372

MALAKI na umano ang ipinagbago ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, sapul nang makulong ito sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa katunayan, ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, ay ‘changed man’ na ito batay sa mga nakuha niyang impormasyon mula sa mga correction officer ng NPB.

Kung dati rati’y siga si Sanchez, ngayon ay malumanay na ito at nakasuot pa ng palda at naka-lipstick.

“According to the corrections officers sa Bilibid, tinanong ko mga guwardiya dun, andyan pa ba ‘yung mayo­r, sabi andiyan pa sir, mabait na sir, ‘di na siga,” kuwento diumano ng mga jail officer na dati niyang nakausap.

“Malumanay na, changed man na, nakapalda na sir, naka-lipstick. So ‘yun lang ang sabi nila, ibig sabihin hindi na siga, mabait na. ‘Di ko personally na nakita pero report lang sa akin ng mga guwardiya,” dagdag pa nito.

“Changed man in the sense na pag nasa loob ka killer ka, siga ka ‘di ba. Ngayon the mere fact na nakapalda ka, naka-lipstick ka, mabait ka na. May hawak na bibliya palagi tapos nakapalda naka-lipstick, bagay ba siya magsiga-siga run kung nakapalda ka naka-lipstick?” dugtong pa nito.

Hindi naman makumpirma ni Dela Rosa, dating BuCor chief, kung nalipat si Sanchez sa homosexual wing pero kinumpirma nito na pinag-aagawan ng mga lalaki sa loob ng Bilibid ang mga bigating homosexual na preso.

“‘Di ko alam kung nailipat siya dun. Pag hindi mo ‘yan ihiwalay prone to gulo ‘yan kasi alam mo ‘yung mga homosexual sa loob ng Bilibid pinag-aawayan ‘yan ng mga totoong lalaki, nagsasaksakan ang mga lalaki dun para maging girlfriend nila,” kuwento ni Dela Rosa.

Ayon pa sa senador, deserve diumano ni Sanchez na mabigyan ng ‘second chance’ kung ang pagbabatayan ay ‘operations of law’. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy