Una sa Balita

Nagaya sa SMB Phoenix nalagasan din ng sentro

0 484

ILANG linggo bago ang pagsisimula ng 455h Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, nalukuban ng kamalasan ang Phoenix Pulse, nawalan ng dalawang ng mga impontanteng manlalaro bago magbukas ang liga sa Marso 8.

Pilit na nagpapalakas ang Fuel Masters habang patuloy na hinihintay ang pagbabalik ni Calvin Abueva mula sa indefinite suspension. Pero mas lalo pang napilayan o nagkaroon nang ma­tinding problema ang koponan.
Nagaya sa San Miguel Beer sa pagkawasak at inopera­han nang kanang alulod ni five-time MVP June Mar Fajardo.

Ito ay matapos na magka-injury rin ang dalawang big man ng gasolina na sina Jake Pascual, na nagtamo ng matagal gumaling na ACL injury.
Sumunod siya kay Dave Marcelo na sumailalim na sa surgery para alisin ang bones spurs sa paa.

Hindi pa rin makakakuha ng maayos na kasagutan kay coach Francisco Luis ‘Louie’ Alas kung kalian makakabalik ang dalawang may mga karamdamang manlalaro bukod pa kay Abueva.

Ang Phoenix ang pinakahuling team na nagkasulinan sa frontcourt bago may tatlong linggo bago magbukas na naurong nga ng isang linggo na all-Pinoy conference matapos.

Una si Fajardo sa Beermen bago si Gregory William ‘Greg’ Slaughter na napasuan ng kontra sa Barangay Ginebra San Miguel at sinorpresa ang lahat dahil sa pagbabakasyon muna mula sa pagbabasketbol. ( Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More