Una sa Balita

Naganap na!

0 628

At naganap na nga—dahil sa takot ng mara­ming magulang bunga nang walang prenong kontrobersyang nilikha ng dengue vaccine na Dengvaxia, naapektuhan na rin tuloy ang iba pang immunization program ng pamahalaan laban sa iba pang sakit tulad ng tigdas.

Pero bago ‘yan, nagtaka ang ating kurimaw na hindi takot sa kagat ng lamok sa lumabas na ulat na inirekomenda ng joint panel sa Kamara de Representantes na isama si dating Pangulong Noynoy Aquino III sa mga opisyal na dapat kasuhan kaugnay ng kontrobersiyal na Dengvaxia.

Sa isang lumabas na ulat, sinabing nakasaad sa ‘draft report’ ng joint panel na hindi dapat papanagutin si Aquino sa implementasyon ng Dengvaxia dahil malalala na noon ang dami ng kaso ng dengue kaya pinayagan ang pagpapatupad ng programa.

Kung tutuusin din, dati nang ipinaliwanag ni Aquino na ang kaniyang aksyon ay batay sa mga rekomendasyon ng kaniyang mga kalihim at impormasyon na dumadating sa kaniya. Nang panahon nga naman na ipinatupad ang anti-dengue vaccination program na gamit ang Dengvaxia, tiniyak sa kaniya na ligtas ang bakuna at naaayon sa batas ang proseso ng ­paglalaan dito ng pondo.

Kung sa lahat nga naman ng pagkakataon ay presidente ang mananagot kapag pumalpak ang programa ng gobyerno o sa misyon ng mga nasa kinauukulan, aba’y baka tuwing matatapos ang termino ng mga presidente ay wala na silang aatupagin kundi ang mga kasong isasampa sa kanila.

Related Posts

Buweno, ang natu­rang ‘draft report’ na nag-aabsuwelto kay Aquino eh hindi napagtibay ng Kamara dahil nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng kapulungan at naging Speaker na si Rep. Gloria Arroyo, na ‘nakulong’ o hospital arrest noong panahon ni Aquino dahil sa mga kasong katiwalian. 

Pero ibinasura ng korte ang mga kaso ni Arroyo at nakalaya nga­yong termino ni President Mayor Rodrigo Duterte, at naging lider pa ng Kamara. At sa pag-upo niya bilang Speaker, nagkaroon ng balasahan sa mga pinuno ng komite, at kabilang sa mga napalitan ang kongresistang namumuno sa good government na nagrekomenda na pawalang-sala si Aquino sa Dengvaxia. 

Nang magkaroon ng bagong pinuno ang naturang komite, nagsagawa ulit ng pagdinig kahit pa may committee report na; at nang matapos, ayun, kasama na si Aquino sa pinakakasuhan.
Dapat pag-ibayuhin ng pamahalaan ang kampanya at pagbibigay ng impormasyon sa publiko na ligtas ang bakuna sa tigdas at iba ito sa dengvaxia.

Tandaan mga tsong, madaling makahawa ang tigdas at kung hindi maagapan, maaari itong magkaroon ng komplikasyon na baka ikamatay pa ng bata. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy