Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-vertigo: Bimby sinalo mga trabaho ni Kris

0 299

Vertigo naman ang umatake kay Kris Aquino at naganap `yon sa isa sa mga shooting para sa kanyang bagong endorsement. Pero, dahil sa bahay/condo lang naman ginaganap ang shooting, kaya hindi masyadong naapektuhan ang trabaho.

Pero kuwento ni Kris, si Bimby raw ang gumawa ng halos 80 porsiyento ng trabaho sa shooting nilang `yon. Kasi nga, bigla siyang nahilo, at kailangan niyang magpahinga, o bawal siyang gumalaw nang husto.

Anyway, naghahanap rin ng bagong nurse si Kris, na dapat ay malakas, at kayang-kaya siyang buhatin. Kasi nga raw noong muntik siyang matumba dahil sa vertigo, ang kasama niyang si Alvin ay muntik din mabuwal, at ang nurse (na babae) na kasama niya ang sumalba sa kanya. Kaya n aman gusto niyang magdagdag pa ng isa pang nurse, na siyempre pa ay maraming benepisyo.

Anyway, marami pa raw surpresa si Kris ngayong bagong matapos ang taon. Magi-guest daw siya (sa show kaya ito ni Toni Gonzaga?) sa isang show, at may mga bago siyang commercial, endorsement na gagawin.

But again, wish nga ng mga fan, n asana ay gumaling na si Kris, para makabalik na agad sa work nang hindi nahihirapan. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.