Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-sex trip na driver sa kulungan bumagsak

0 69

Swak sa kulungan ang isang 45-anyos na driver matapos umano nitong manyakin ang kanyang pasahero habang pauwi sa bahay nito sa Imus City, Cavite noong Huwebes ng hapon.

Kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek na si Clint Jastia, may-asawa at residente ng Block 8, Lot 16, Villa Primarosa sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite dahil sa reklamo ng 27-anyos na phone banker mula sa Malagasang, Imus City, Cavite.

Sa kanyang reklamo kay P/SMS. Luis Divina ng Imus City Police Station, ang suspek ang tumugon nang mag-book siya ng sasakyan habang nasa McKinley Hill, Taguig City bandang alas-2:30 ng hapon.

Habang nasa daan ang dalawa, nagulat umano siya nang haplusin nito ang kanyang leeg hanggang batok.

Hindi pa aniya nakuntento ang suspek at ibinaba nito ang kamay sa kanyang hita. Pumalag umano siya pero itinuloy lang ng suspek ang paghimas sa hita niya hanggang makarating sila sa Cavite.

Pasimple umano siyang tumawag sa kanyang asawa at pagsapit sa Imus City ay nakaabang na ang mga operatiba ng Imus City Police Station na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.