Una sa Balita

Nag-selfie sa loob ng base militar arestado

0 441

SWAK sa kulungan ang isang 23-anyos na binata na nag-selfie sa loob ng base militar sa Cavite City.

Nasa kustodiya ng Cavite Police si Marlon Vincent Sili ng Brgy. Biwas, Tanza, Cavite at sasampahan ng kasong pag­labag sa PD 1227 o Punishing Unlawful Entry into any Military Base in the Philippines.

Sa ulat ni Patrolman Richard Glean ng Cavite City Police Station, dakong alas-singko kamakalawa nang hapon nang arestuhin ang suspek habang nagse-selfie at kumukuha ng litaro sa mga barko, eroplano at mga gusali sa loob ng Major Danilo S. Atienza Air Base, Sangley Point, Cavite City.

Ayon kay Glean, una umanong nagtungo sa Cavite City Museum ang biktima nang naisipan nitong magtungo sa air base upang doon kumuha ng litrato.

Gayunman, sinabihan umano siya ng guwardiya na magtungo muna sa tanggapan ng Atienza Air Base upang magpaalam, gayunman, imbes na magpaalam ay dumiretso sa loob ng Major Danilo S. Atienza Air Base at doon nagselfie at kumuha ng mga litrato ng barko at eroplano kung saan siya inaresto.

Nabatid na ipinagbabawal umano ang pagkuha ng litrato sa loob ng na­sabing air base.

Depensa naman ng mga kamag-anak ng naarestong suspek na may diperensiya umano ito sa pag-iisip. (Gene ­Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy