Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-overtake na kotse, sumalpok sa trak

0 83

ISA ang patay nang sumalpok ang isang kotse sa nakaparadang truck sa Zamboanga City, Lunes ng gabi.

Sa report, kinilala ng pulisya ang nasawing si Abraham Mohammad habang sugatan ang kasama nitong driver ng kotse na si Marjhon Perez.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-over take ang kotse sa nakaparadang truck, pero hindi nito napansin na may padaan na isang sasakyan na makakasalubong nila.

SM food to go Banner Ad

Nagawang makaiwas ni Perez sa kasalubong na sasakyan, pero sumalpok ang kotse niya sa gilid ng truck, dahilan para magtamo ng sugat sa ulo si Mohammad.

Agad itinakbo si Mohammad sa ospital pero binawian din ng buhay. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.