Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-enroll sa PWU: Ruffa desididong magtapos ng kolehiyo sa 2022

0 111

Naku, Dondon (my dear editor), two weeks din kaming hindi nag-usap ni Ruffa Gutierrez dahil stressed ako sa work, kaya naman nang magkatsikahan kami kahapon ay may bago siyang kuwento.

Aba, inunahan pa pala niya ang panganay niyang anak na si Lorin Gutierrez na mag-aral, huh!

Yes, sa last week of July pa kasi babalik si Lorin sa Los Angeles, California para mag-start ng college sa isang university roon, pero si Ruffa, nag-enroll na sa Philippine Women’s University: PWU-School of Arts and Sciences (SAS) para sa kursong Bachelor of Arts Major in Communication Arts.

Noon pa naman talaga gusto ni Ruffa na magbalik-school, pero dahil busy siya sa kanyang showbiz career ay hindi naman niya magawa.

Actually, in 1994, nag-enroll siya sa isang computer school, pero after ng ilang araw na pumasok siya roon, nag-give-up din naman si Ruffa.

“I’m enrolled as a non-traditional student. ETEEAP Program. Expanded Tertiary Education Equivalency And Accreditation Program,” kuwento niya.

“Earn a college degree through your work experience! Provides an access to earn a college degree through equivalency and accreditation of prior learning of applicants from work experiences – formal and informal training. After 30 years since graduating high school I have decided to further my education.

“You’re never too old to pursue a dream.

“I just said it’s a one year ETEEAP PROGRAM. So if I study hard and submit all the tasks I will be able to get a Bachelor of Arts degree in Communication Arts by April 2022. Graduate na ako!

“Sunshine Cruz and Jodi Sta. Maria did similar programs but different courses.

“I want to further my education because I would like to equip myself with new skills that will help me prosper and fulfill my dreams in the ever-changing global scene.

“I want to take control of the next chapter of my life and most importantly I want to set an example for my children.

“This is the right time because it’s still MECQ, cases are still high and work is slow. Not a lot of productions are taping these days.

SM food to go Banner Ad

“Everyday I read, do research, write. That’s my life these days,” tuloy-tuloy na kuwento ni Ruffa.

Actually, noong Tuesday night na nag-guest siya sa online show nina Chemist Pinky Tobiano, Jaya at Zephanie ay sinabi niya sa tatlo na may revelation siya.

Akala nila, may bagong love life si Ruffa.

“So, ‘yun nga, akala nila, my new love life ako. Akala nila, love life ang ikukuwento ko. So, nagulat sila na ang revelation ko pala, ‘yung tungkol sa pagbabalik school ko.

“Natuwa naman sila,” sey pa ni Ruffa.

‘Kaaliw rin ang kuwento ni Ruffa tungkol sa pagbili niya uli ng laptop.

Ang dating laptop kasi niya, sinira ng aso niyang si Simba. Nalaglag at nawasak ‘yon dahil sa kanyang aso.

“So, two years akong hindi nag-laptop. I never thought na kakailanganin ko pa ang laptop dahil everything naman ginagawa ko na sa cellphone.

“Since nag-aaral na uli ako, bumili ako ng McBook Pro. Nanibago ako. I don’t know how to use it. It took me three days bago ko nagamit talaga. Nag-tutorial ako and tinuruan din ako ni Venice (her bunso).

“Now, ok na. Nakakatuwa dahil nakikita ako nina Lorin at Venice habang nag-aaral, so nai-inspire rin sila sa akin.

“And they’re very interested and proud talaga sa ginagawa ko,” sabi pa ni Ruffa.

Well, magaya nga si Ruffa. Type ko ring mag-enroll, Dondon, huh!

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.