Una sa Balita

Nag-deliver ng pizza hindi ‘nilason’ si MJ

0 463

ANG kuwento ni Michael Jordan, sinolo daw niyang kinain ang isang pizza bisperas ng Game 5 ng 1997 NBA Finals sa Utah at naging biktima ng food poisoning.

Nanindigan sina Tim Grover (trainer ni Jordan) at George Koehler (personal assistant) na nakakapagtakang limang tao ang nag-deliver ng pizza sa isang hotel sa Salt Lake City.

Naungkat muli ang insidente sa final episodes ng The Last Dance. Tinawag na ‘Flu Game’ ang laro dahil para daw tatrangkasuhin si Jordan noon, pero mas karapat-dapat na tawaging ‘Food Poisoning Game.’

Sina Grover at Koehler, kumain din daw ng pizza pero hindi sumakit ang tiyan.

Natunton ang lalaking nag-deliver ng pizza, si Craig Fite.

Bersiyon ni Fite, assistant manager noon sa Park City Pizza Hut:

Fan daw siya ng Bulls, nang malaman na may order sa hotel na tinutuluyan ng team ay nagprisintang siya mismo ang gagawa ng pizza, siya pa ang magde-deliver.

Ingat na ingat nga raw siya mula sa preparasyon ng large thin-crust extra-pepperoni pizza hanggang dumaan sa security ng hotel. Kasama niya ang driver, nag-elevator sila papunta sa floor ng Bulls. Dalawa lang daw sila ng driver, taliwas sa sinabi nina Grover na lima ang nag-deliver.

Hinanap niya ang room number, kumatok. May nagbukas (si Grover o Koehler), nagbayad at nagbigay ng tip.

“I’m handing him the pizza, and I said, ‘Hey, can I at least say hi to Mike?’” ani Fite sa interview ng 1280 The Zone. “And the door kind of opens up a little bit more. Mike is sitting in the room, sitting at the chair. He’s playing cards or whatever and raises his hand ang says, ‘Thanks, man.’ And then the guy looked at me and shut the door. And that’s the extent of the whole story.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More