Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-deactivate sa IG: Show ni Kris sa TV5 tigbak agad

0 1,432

Hindi pa man umeere ang show ni Kris Aquino, tigbak na agad ito. Meaning, hindi na ito matutuloy na maipalabas sa July 25 (Sabado, 5pm).

Ang dahilan? May hindi raw napagkasunduan ang blocktime producer at ang TV5 executives.

Anyway, heto nga ang kuwento ng publicist ni Kris na si Dindo Balares.

“Wala nap o ang show,” sabi niya sa tanong ko kung ano na ang balita sa show ni Kris na Love Life With Kris Aquino.

Nagkausap na raw sila ni Kris, at chill lang naman daw nitong tinanggap ang sitwasyon.

“Nalungkot siya, pero ibang-iba na talaga si Kris ngayon,” say ulit niya.

Para kay Kris, sa panahon ngayon, mas maraming dapat unahin na kalaban, tulad nga ng COVID-19, kaya hindi niya masyadong iniinda ang pangyayari.

“Ayaw na niyang dumagdag pa sa napakaraming issue. So, better na manahimik na lang daw siya.

“Nag-deactivate siya ng Instagram,” pahayag pa ni Dindo.

“Ang dami-daminang problema ng mga tao, ‘di na ako dapat dumagdag pa,” saad pa raw ni Kris.

Super lungkot nga ang mga fan ni Kris ngayon. Pero huling hirit ng kampo ni Kris, mas magandang kausapin na lang muna ang prodyuser ng show ni Kris, dahil patuloy pa rin naman ang pakikipag-usap nila sa TV5 ngayon.

Hay sana naman ay maayos ito, dahil abang-abang na talaga ang mga tagahanga ni Kris. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.