Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-concert sa panaginip

0 62

Matagal ko naman ng alam na gusto ko ang pagkanta pero ‘yung kanta ang may ayaw sa akin. Char. ‘Di, kasi napanaginipan ko po na kumakanta raw ako. Noong una, may narinig lang ako na magandang boses tapos sinabayan ko na sa pagkanta, hanggang sa pumasok daw ako sa isang room na ang dami nang kumakanta at parang choir ang dating. Ang ganda raw ng boses ko nung nasa panaginip ako kaya nung nagising ako natatawa ako sa sarili ko kasi alam kong hindi naman ‘yun totoo, at nakalimutan ko na rin kung ano ang kinakanta ko sa panaginip. Salamat sa pagshe-share ng meaning.

– Evy

Kapag nakarinig ka ng magandang boses sa panaginip, isa itong pangitain na magkakaroon ka ng isang masayang experience.

Sinasabi rin ng panaginip na ito na may parating na good news mula sa iyong malapit na kaibigan o kaya naman ay magkakaroon ka ng time para makausap ang isang tao na matagal mo nang gustong makamusta.

Kung nakita mo ang iyong sarili na sumali sa pagkanta ng maraming tao o sa kaso mo ay choir, indikasyon ito na hahangaan ka ng ibang tao at makakatagpo ka ng mga loyal na kaibigan.

Kailangan mo ring tingnan ang mood mo sa pagkanta sa iyong panaginip. Kung tingin mo ay masaya ka sa pagkanta, maaaring positibo rin ang maging koneksyon nito sa buhay mo. Pero kung naramdam mo na bored ka na, sinasabi naman nito na may ilang taong nakapaligid sa iyo ang magja-judge sa pagkatao mo at magdadala ito sa iyo ng kalungkutan.

Ang ibang tao naman na kumakanta sa panaginip mo ay nagsasabi na makakaharap ka ng mga taong mahirap kausapin o kaya ay maka-deal.

May ibig ding ipahiwatig kung ang narinig mong kumakanta sa iyong panaginip ay mga bata. Isa itong sign na magkakaroon ng kasiyahan sa inyong pamilya. Pero kung mga matatanda naman ito, may posibilidad na makaranas kayo ng kalungkutan.

Sa pangkalahatan, depende sa iyong mood, kung masaya ka naman sa iyong naging panaginip, wala kang dapat ipagalala dahil sinasabi rin nito na nasa estado ka ng pagiging masaya sa waking life mo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.