Una sa Balita

Nag-bomb joke sa LRT, dinakma

0 435

SA detention cell ng Pasay City Police ang bagsak ng isang lalaki makaraang arestuhin ito matapos na magbiro na may bomba habang papasakay sa Light Rail Transit(LRT1) sa bahagi ng Gil Puyat (Buendia) station sa Pasay City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang suspek na si Akbhar Ismael, nasa hustong gulang, tubong Basilan at residente ng Li­bertad ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng Pasay City Police, alas-8:58 nang gabi nakapila at papasok sa Buendia LRT Station ang biktima nang sabihin nito na may bomba sa bag ng lalaki sa kanyang harapan.

Tiyempong narinig ito ng isang lady security guard na nakilalang si Grace Paez, dahilan upang ito ay pigilan at arestuhin.

Agad namang ininspeksyon ni Paez ang dalang bag ng suspek subalit wala namang nakuhang anumang uri ng bomba.
Agad namang dinala ang suspek sa Pasay City Police para isailalim sa imbestigasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy