Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Nag-back out kabilang side’ Daily talk show ni Kris naunsyami na naman

0 274

Nalungkot na naman ang mga fan ni Kris Aquino, dahil ang inaasahan na naman nilang pagbabalik telebisyon ng idolo nila ay naunsyami ulit.

May mga chika nga kasi na may bago na namang show si Kris, na daily talk show nga raw ito, at mukhang si Herbert Bautista yata ang makakasama niya, pero mukhang hindi na naman nga matutuloy.

“When we were shooting this yesterday, I already knew the bad news- 1 month na negotiations namin to bring me back to free TV on a daily talk show hindi naging okay ang ending kasi nag-back out na ‘yung kabilang side,” sabi ni Kris.

Hindi na nilinaw ni Kris sa Instagram niya kung sino ang kabilang side na nag-back out, pero hirit na lang niya;

“But this was work for @shopee_ph so tinuloy ko and unless umamin ako sa post na ‘to, you wouldn’t have known may bigat pala sa puso ko…” saad niya.

Ano nga ba ang ‘bigat sa puso’ ni Kris?

“You know why? Because I know what really matters, and that is FAMILY.

“2 of my sisters had shown me how much they loved me by volunteering to invest in what would have been my comeback. If you’ve been following entertainment news, you’d know malaki ang risk to produce now in the midst of a pandemic & a slowdown in the economy.

“But regardless of the financial risk, my sisters believed enough in me to support & trust my vision. Tinalikuran man ako ng isang kumpanya, hindi nayanig ang mundo ko dahil sigurado ang buong pagkatao ko na may pamilya akong nagmamahal at may tiwala sa ‘kin,” sabi pa ni Kris.

Anyway, ang maganda lang kay Kris, kahit ano pa ang nangyayari sa kanya, ang pagtulong pa rin ang naiisip niya.

“My siblings & I know the value of FAMILY because of our Mom. She taught us many things, pero sa ‘kin siguro nangibabaw talaga ang GENEROSITY.

“To honor my mom, I’ll sponsor opening 8 #ShopeePay accounts w/ P5K each for my followers on IG and 8 on FB. Kwentuhan nyo lang ako what #FAMILY means to you.

“I’ll announce the winners LIVE on Monday night, January 25,” sabi pa ni Kris.

Bimby pinaghugutan ng lakas ni Tetay

Anyway, marami naman ang naaliw sa latest Instagram post niya tungkol sa pagsusuot niya ng sangkatutak na perlas sa pagtulog.

Sinimulan niya ang kuwento gamit ang photo nila ni Bimby. Tila paliwanag na rin muna `yon kung bakit wala si Joshua sa photo nila.

“Bimb’s kuya is really loving life in Tarlac… I understand 100% because his Lola Cory would always bring him with her whenever she’d go to check on the Aquino center so for him, being there now gives him a sense of both freedom & security…

“I chose to post this picture from this morning because literally & figuratively, my bunso is my pillar of strength. He knew yesterday was tough, I fell asleep before he did, pero pag gising ko, my tiny hand was being held under his very big one…

“Bago kayo sobrang ma-weird why naka-pearls ako with my oversized men’s white shirt na pantulog ko- I read that pearls help balance hormonal fluctuations and they ease stress & anxiety. They are also supposed to enrich a person’s spiritual life & help in creating a caring & harmonious atmosphere at home or in the workplace. Pearls are also supposed to help love and prosperity surround the wearer.

“So yes, natutulog ako with my pearls on- there was a time several weeks ago na masama talaga ang pakiramdam ko and I read up on all the gems that could help heal me, naloka na ‘yung staff staying with us kasi ang feeling daw nila ready ako mag-attend ulit ng wedding sa Crazy Rich Asians- kahit grabe ‘yung fatigue, body aches, and chronic urticaria attack ko that time, natawa na lang din ako nung sinabi ni Bimb – ‘Mama, I hope you do realize that jewelry isn’t medicine?’

“Please remember that maybe now things may not be going the way you’d envisioned, but when you have FAMILY who love you for everything you are and you’re not, life may not be perfect but it can still be pretty awesome,” sabi pa ni Kris.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.