Una sa Balita

Nag-away sa kalakal! Basurero sinaksak ng kabaro

0 265

SUGATAN ang isang basurero makaraang saksakin ng kapwa basurero dahil sa away na nag-ugat sa pinag-agawang kalakal, sa Barangay Kapitolyo, Pasig City Miyerkoles ng gabi.

Pinaghahanap ngayon ng Pasig Police ang suspek na si William Villares, 33, habang nagpa­pagaling naman ang sugatang si Marlon Taba­ngon, 27, kapwa residente ng Pasig City.

Naganap ang insidente alas-10:45 Miyerkoles­ ng gabi sa kahabaang ng Pasig Blvd., corner Rosemarie Lane, Brgy. Kapitolyo, habang nanga­ngalakal ang dalawa ng basura nang mag-agawan sa napulot na bakal at doon na nagtalo hanggang makakuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More