Una sa Balita

Nag-astral, naumpog sa ilaw, namasyal

0 385

MGA ka-Misteryo may ­pagkakataon na ­nakakatawa ang karanasan sa paranormal tulad na lamang ng ­kuwento ni Raffy ng Pasig sa kanyang astral ­projection o travel.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Sanay nang mag-astral projection si Raffy mula nang magsanay siya sa ­klase ni Jimmy ­Licauco kaya’t ­halos gabi-gabi ­niyang ­ginagawa ang ­paglabas sa ­kanyang katawan.

Isang gabi hindi niya ­sinadyang lumabas ng ­katawan pero nagulat siya nang mauntog siya sa ilaw ng kanilang sala.

Natawa siya habang naka-astral dahil hindi niya akalain na bigla siyang lumitaw sa tabi ng kanilang ilaw sa kisame ng kanilang sala at naumpog.

Sinamantala ni Raffy ang pagkakataon habang ­naka-astral siya, lumipad siya palabas ng kanyang ­condominium unit at ito ang inusisa ng #TeamMisteryo.
Team Misteryo: “Saan ka naman napadpad nang mag-astral ka?”
Raffy: “Umikot lang ako sa ibabaw ng mga ­kabahayan siguro mga nasa taas ako ng 500 talampakan.”

Team Misteryo: “Ayos ah! May nakita ka bang mga kaluluwa o kaya mga elemento o ispiritu na ­lumilipad?”

Related Posts

Raffy: “Meron pero ayaw kong makita nila ako baka magka-aberya kaya umiwas ako. Sinubok kong lumipad pataas medyo natakot lang kasi hindi pa ko sanay na lumayo though alam kong hindi naman ­delikado kasi puwede naman makabalik agad sa katawan.”

Team Misteryo: “Sinubok mo bang magpunta sa ulap? Nakakita ka ba ng mga eroplano o kaya UFO?”

Raffy: “Hindi ko na ginawa, bumalik na ko agad sa aking katawan, para lang ako hinatak pababa at nagising na ako.”

Ang astral projection o out of body experience ay maaaaring maranasan ng sinuman lalu na ­kapag ­sobrang pagod sa maghapon at madaling ­nakatulog kaya lang mag-ingat sa mga biglang atake ng ­masamang ispiritu.
***

Para sa inyong kuwentong karanasan ­mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at ­Abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More