Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-apply na coach: Gerald matamis ang tingin, ngiti kay Gigi

0 666

Kasisimula pa lang ng shooting nina Gigi de Lana at Gerald Anderson, kung ano-ano na ang naglalaro sa utak ng mga netizen.

Super taba talaga ng utak ng mga netizen, dahil tila na-predict na agad nila ang future, at umabot na sa puntong nagpaulan na ng senaryo, kantiyaw ang mga hitad.

Anyway, nagharap na nga sina Gerald at Gigi para sa teleseryeng ‘Hello Heart’ na ipalalabas sa iQiyi.

Gagampanan ni Gigi ang papel bilang si Heart, na magpapanggap bilang asawa ni Gerald, na gaganap naman bilang si Saul.

Sa interview sa kanila ng ABS-CBN, marami na agad payo si Gerald kay Gigi. Na dapat lang naman, dahil baguhan nga si Gigi sa pag-arte, at kailangan siyang alalayan ni Gerald, na matagal na nga sa showbiz.

Pero siyempre, pag-amin ni Gigi, sobrang kabado pa rin talaga siya. Kung ang pagkanta ay minamani-mani na lang niya, iba kasi ang pag-arte, lalo na at may ka-partner pa siyang kasingguwapo ni Gerald.

“Noong narinig ko ang offer na magkakaroon ng serye, nagulat ako. Totoo ba ito? Sa puso ko exited, kabado. First time ko eh.

“Ang partner ko pa Gerald, ang tagal na nito. Mai-intimidate ako kahit ‘di ko pa siya nakikita.

“So, kinabahan talaga ako. Paano kaya to? Seryoso kaya ito?

“Pero pinakita ko pa rin ‘yung totoong ako ‘Yung tawa ko pinakita ko na, ‘yung kakulitan ko pinakita ko na,” pahayag ni Gigi.

Alam ni Gigi na marami pa siyang dapat matutunan sa bagong larangan na pinasok niya. Hindi nga lang ito basta-basta pagharap sa kamera, na babanat lang ng kanta, dahil may kasama ka ngang dapat mo ring isipin.

“More learnings talaga sa genre na ito. More patience rin sa sarili ko.

“Kanina gusto ko na sampalin ‘yung saliri ko, kasi parang ‘di ko siya nagagawa. Kailangan ko pa mag-focus. Tiwala sa lahat ng nakakasama ko. Mas ibigay ko ‘yung nararapat sa role ko,” chika pa ni Gigi.

Well, wala namang dapat ipag-alala si Gigi kay Gerald, dahil ang binata nga ay handang-handang na gabayan ang kanyang bagong ‘dyowa’ sa harap ng kamera.

At ngayon pa lang nga, pinayuhan na ni Gerald si Gigi.

“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo ng stamina sa trabahong ito. Meron pa tayong 3 days, then rest, then 4 days ulit.

“So stamina physically and emotionally.

“Ako ang coach mo!” buong ningning na chika ni Gerald kay Gigi.

Yes, gusto ngang turuan ni Gerald si Gigi sa pagwu-workout. Di ba nga, sobrang active ni Gerald sa pagpapalakas ng katawan.

Noong mga bago-bago ang relasyon nina Gerald at Julia Barretto, madalas nga silang nakikita na nagwu-workout na magkasama. Si Gerald din ang nagsilbing coach sa girlfriend niya.

At ngayon nga, may bago na siyang iku-coach, si Gigi nga!

“Naiintindihan ko naman siya kasi ‘yung momentum talagang pag relax ka na… sa iba ‘yung workout parang trabaho rin ‘yun, eh.

“Pero sa awa ng Diyos, para sa akin lifestyle. But it’s hard.

“Sana makapag-inspire pa ako ng ibang tao na mag-workout,” say pa rin ni Gerald.

Well, marami naman talagang nai-inspire si Gerald sa pagwu-workout, eh. At ang daming girlash ang gustong magpaturo sa kanya sa tamang pagdyi-gym.

‘Mag-move on, novena ka na’ Julia pinagdasal ng mga netizen

‘Yun nga lang, dahil sa chikahan na ito ng GiRald o GiGer, kung saan-saan na nga umabot ang tinakbo ng utak ng mga netizen.

Sinimulan nga ng isang sikat na blogger, si Senyora, na ang Facebook page ay may mahigit limang milyon na follower.

“Julia ngayon pa lang mag-archive ka na mga photos sa IG,” kantiyaw niya.

At dahil doon, nagsunod-sunod na ang pagkantiyaw kay Julia. Si Julia na walang kamalay-malay, pero pinagdarasal na agad ng mga netizen, na ang hobby ay mang-asar.

Heto nga ang mga chika ng mga netizen:

“Sending prayers for Julia.”

“Sending virtual hugs and prayers for Julia. Stay strong.”

“Time will be the ultimate truth teller, abangers in 6 months. Hahahaha!”

“Kabahan ka na Julia!”

“Ang well-raised daughter is shaking!”

“Hindi ‘yan papatulan ni Gerald. Hindi naman ‘yan commercial model ng shampoo!”

“Mag move on ka na agad Julia, habang maaga pa.”

“Coach now. Dyowa later. Iyak na Julia.”

“Abangan ang interview ni Kuya Boy Abunda kay Julia!”

“Mukhang kailangan na mag-novena ni Julia.”

“Ngiti ni Gerald, may balak. Hahahaha!”

Well, normal na ngiti, tingin lang naman `yon ni Gerald. Sadyang binibigyan lang ng kahulugan ng iba.

Grabe, di ba? Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.