Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-amok, tigok kay korporal

0 13

PATAY ang isang lalaki nang mapilitang barilin ng kapitbahay na pulis dahil sa pag-aamok sa kanilang lugar sa Gen Trias City, Cavite.

Isinugod pa sa Gen Trias Doctors Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay ang suspek na si Joseph Buniel, 34, ng Gen Tree Villas Pasong Kawayan 1, Gen Trias City Cavite dahil sa tama ng bala mula kay Corporal Christopher Barte, miembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Gen Trias City Police.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang, ng Gen Trias Police Station, ika-7:00 kamakalawa ng gabi nang tawagin si Barte ng kapitbahay na sina Johara Noni Bandojo, 33, at Luiresio Buniel Jr., 67, dahil sa paghuhurementado ng suspek at tangkang pananaksak sa kanila.

Tinangkang pahupain ni Barte ang suspek pero sinugod siya at tinangkang saksakin kaya inunahan siya ng police officer. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.