Una sa Balita

Nag-amok na senglot napatay ng ex-Navy

0 286

Nasawi ang isang lasing na lalaki matapos itong magwala at mabaril ng kapitbahay na retiradong opisyal ng Philippine Navy, Huwebes nang hapon sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si Romeo Pagayuna, alyas ‘Boboy’, nasa hustong gulang.
Aresto naman si Arnold Calope, 56-anyos, retiradong Philippine Navy official at kapitbahay ng biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-4:45 nang hapon sa harapan ng ta­hanan ng suspek sa Baltan Interior, Purok Balikatan, Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon, nasa impluwensya ng alak ang biktima nang bigla na lamang itong magwala sa harapan ng tahanan ng suspek dahilan upang lumabas ng ito ng bahay at sinaway ang una sa kanyang pagwawala.

Subalit imbes na makinig ay lalo pang nagwala si Pagayuna dahilan para pagbabarilin ito ng suspek.

Inihahanda na ang kaso laban kay Calope.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy