Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-ala-Shawie na: KC bumanat na rin sa gobyerno

0 1,582

Tulad ng ina niyang si Sharon Cuneta, hindi man niya direktang banggitin, pero bumanat na rin si KC Concepcion sa gobyerno. At dahil `yon sa tuluyang pagpatay sa Kapamilya network, na naging tahanan niya noon.

Iniugnay ni KC ang mensahe niya sa Instagram sa sitwayon ng COVID-19 ngayon, at kung paano ito napagtagumpayan ng ibang bansa.

Heto nga ang chika ni KC:

“As they say… New Zealand: stopped the transmission of Covid-19.

“Thailand: stopped the transmission of Covid-19.
“Vietnam: stopped the transmission of Covid-19.

“Philippines: stopped the transmission of ABS-CBN.
“11,000 hardworking, talented Filipinos are purposely stripped of their jobs- in the middle of a pandemic. Couldn’t this wait? Is this supposed to be an example of how we SUPPORT and IMPROVE the lives of the Filipino people?

“Mahal na mahal ko ang Pilipinas, at ayokong mawalan ng amor sa sarili kong bansa. Ang daming issue. Kesa sama-sama tayo ng solid na harapin lahat ng pagsubok na dulot ng pandemya parang ang dami pa nating ibang pinoproblema.

“Gusto kong maging safe, secure at masaya sa bansa kung saan ako ipinanganak. Kayo ba? ✨ Mahigpit na yakap, Kapamilya.”

Dahil sa post na ito ni KC, nagtalo-talo na naman ang mga follower niya sa IG. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.