Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nag-ala-Sharon: Sam bumanat sa gumamit ng ‘Dati’ sa rally

0 252

Hindi natuto si Sam Concepcion sa nangyari kay Sharon Cuneta. Hayun nga at gumaya ito, nagpatutsada sa hindi naman niya pinangalang personality o politiko, kaugnay sa paggamit daw sa awitin niyang ‘Dati’ para sa kampanya.

Tumalak si Sam sa Twitter, dahil kinakanta raw ng iba ang kanyang awitin, na duet nga with Tippy Dos Santos.

“May mga gumagamit pa rin ng ‘Dati’ as their campaign theme song. Itigil niyo na ‘yan flag namin kayo at ‘di iiboboto!” sabi ni Sam.

Kinastigo naman ng ibang netizen si Sam.

Kinuwestyon ni @loSonoPatrick si Sam sa pababanta nito at nagtanong kung ang singer ba ang nag-compose ng kanta.

Komento naman ni @PinkyPinkz wag maging balat sibuyas dahil kinakanta rin nina Sam ang mga foreign songs sa kanilang mga raket na bayad sila, nang hindi nagpapaalam sa may ari ng rights.

Depensa naman at suporta ng mga panatiko ni Sam, may karapatan ang singer na pagbawalan ang sinuman na gamitin sa campaign rally ang kanilang mga kanta. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.