Una sa Balita

Nag-aabang sa kalsada binaunan ng bala

0 276

Nasawi ang isang babae nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa kila­lang lalaki habang nakatayo sa gilid ng kalsada Linggo nang gabi sa Tanay, Rizal.

Dead-on-arrival sa Tanay General Hospital ang biktimang nakilalang si Danica Manuel, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis namang nakatakas ang mga hindi pa kilalang sa­larin matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, alas-9:30 nang gabi ay nakatayo ang biktima sa gilid ng Sampaloc Road, sa Brgy. Plaza Aldea, Tanay, nang bigla na lang lapitan at kaagad na pagbabarilin ng mga suspek.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay mabilis nang tumalilis ang mga salarin patungo sa Sitio Lubigan, bitbit ang mga armas na ginamit sa krimen.

Isinugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ng ilang kalalakihan na saksi sa pamamaril ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

Patuloy ang ginagawang masusing imbestigasyon ng pulisya para sa moti­bo ng krimen at posibleng pagkilala sa mga salarin. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy