Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naelah ng PH Top 8: Destiny ng Belize waging Miss Earth ‘21

0 246

Sa totoo lang, iba pa rin talaga kapag face to face ang coronation ng isang beauty pageant.

Nagkataon lang na dahil sa pandemya, napilitan ang ibang organizers na gawing virtual ang coronation nights nila.

Tulad na lang ng Miss Earth 2021, na for the second time ay nagdaos coronation night virtually.

Pero siyempre, mahirap din namang ipagsapalaran pa ang kalusugan ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pero, sabi nga, nagawa naman ng Miss Universe, at iba pang beauty pageant, na sinalihan ng iba’t ibang dilag mula sa iba’t ibang panig ng mundo, so bakit hindi nagawa ng Miss Earth?

Anyway, wagi nga for the first time si Miss Belize Destiny Wagner ng Miss Earth crown, na ang advocacy ay ‘Sustainability of Marine Life and Conservation of our Natural Resources’.

Kinoronahan namang Miss Earth Air si Miss USA Marisa Butler.

Wagi ng Miss Earth Water si Miss Chile Romina Denecken van der Veen.

Si Miss Thailand Baitong Jareerat Petsom ang nanalong Miss Earth Fire.

Pasok naman sa Top 8 si Miss Philippines Naelah Alshorbaji, na ang advocacy ay ‘turn plastic into quality materials in order to have a circular economy’.

Ang iba pang finalists ay sina Miss Venezuela Maria Daniela Velasco, Miss Russia Anastasia Almiasheva, Miss Netherlands Saartje Langstraat.

Well, congratulations Miss Belize! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.