Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadismis na pulis-carjacker timbog

0 135

Bumagsak na sa kamay ng Philippine National Police ang dating pulis na may kasong carjacking at highway robbery magtago ng halos 10 taon sa operasyon nitong Martes sa Paco, Maynila.

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, si dating PO2 Jhovani Chua ay naaresto sa Peninsula Garden Midtown Homes sa Paco, Maynila.

Si Chua, ayon kay Sinas ay may standing warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Editha Miña-Aguba ngQuezon City Regional Trial Court Branch 100 sa mga kasong Republic Act 6539 (Anti-Carnapping Law) at Presidential Decree 532 (Anti-Highway Robbery Law).

Ang suspek ay dating nakadestino sa Regional Headquarters Support Unit of the National Capital Region Police Office (NCRPO) at nadismis sa serbisyo noong 2011.

Base sa record, si Chua at Aamiel Aarceo ay nang-hijack ng isang cargo truck ng canned juice na aabot sa P600K sa Caloocan City kung saan pinatay nila ang drayber at helper.

Noong Hunyo 2020, si Chua ay nasangkot din sa hijacking ng isang van na naglalaman ng P380K bathroom products sa Barangay NS Amoranto sa Quezon City. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.